K: Blogathon Entry No. 11

Blog Blogathon IT

Susubukan kong magTagalog-English sa post na to. Parang ang ambitious kasi kung puro English. Mali-mali pa grammar ko. Baka mahighblood ang mga perfect (sa grammar) people. I can go Bisaya but I have Tagalog friends so para maintindihan nila to, Taglish nalang. Jologs ba? Yaan mo na, for sure at some point in your life naging jologs ka din.

So sa post na to, ang tatalakayin ko ay ang iba’t-ibang klase ng mga computer users na sinusupport ko sa office. Sa mga hindi nkakaalam, IT support po nature ng trabaho ko. Ibig sabihin, taga-resolve ng mga problema ng mga officemates ko. Mga problemang sila nman ang gumawa 80% of the time. Wag ka pong ma-offend, okay lang yan. Kung wala kayo, wala kaming trabaho. Utang na loob naming mga IT Helpdesk sa inyo ang trabaho and sahod namin. Pero minsan, sumosobra na kayo. For sure karamihan sa inyo nilagay nyo sa resume nyo na computer literate kayo. Eh bakit pati pagunmute ng audio di nyo alam? May paurgent2 pa kayo kala ko kung ano na, kesyo di niyo naririnig ka-videocon niyo, yun pala, nkamute. Jusko. Pero okay lang. Salamat pa rin sa inyo kasi may trabaho ako. Pero ito, ikaclassify ko kayo hah. Based sa mga observations ko.
Mga klase ng computer users (sa company namin). Ewan ko lng sa ibang company kung may similarities.

Let’s begin with the normal users. Normal lang, saka lng sila nahingi ng tulong kapag di na talaga nila kaya. Yung tipong may initiative mag basic troubleshooting. Walang internet connection, titingnan muna nila kung nkasalpak ba cable sa CPU. Ayaw gumana ng mouse, ttry muna nilang ireseat yung USB connector. Yung mga ganun. Sila favorite ko. Kapag sila nahingi ng tulong, support ko kagad kasi for sure medyo may kahirapan nga yung concern. Kung feel mo ikaw to, libre kita ng hotcake mamaya. Kung feel mo hindi ikaw to, read on, bitch. Chos. #nohate po tayo dito.

Moving on. Ang susunod na klase ng mga users ay ang mga “The Boys and Girls Who Cried Wolf”. Familiar ba kayo sa kwentong yan? Yung bata na nagjoke na may wolf kuno 3 times tapos di na pinaniwalaan nung may actual wolf na talaga. Andami nyan sa office, I swear. Pupuntahan ka sa table mo ke aga-aga tapos sasabihing ayaw magscan ng flatbed scanner nila. Tinanong ko pa kung sure ba cya, sure daw talaga. Nung pinuntahan ko, sinubukan ko munang magscan, wala pa akong inaayos or something hah, aba nagscan, friend! Okay sana eh kung isang beses lng kasi ganun naman talaga minsan. Yung tipong nilapitan ko lng, gumana. Pero sa mga users na to, ganito talaga ganap palagi. Pero thankful pa rin ako sa kanila kasi nkakatayo ako and nkakalakad kahit papano. Kung feel mo ganto ka, keep it up. Kung feel mo hindi pa rin ikaw to, read on.

Ang susunod ay ang mga needy and clingy users. Kulang nalang gawin akong personal assistant sa dami ng concerns. Buti sana kung pinapasweldo din nila ako, diba? Pati magopen ng Paint, I repeat, pati pagopen ng Paint. P-A-I-N-T, di nila kaya mga besh. Pero cute tong mga to, may lambing kung mag-utos. Nanlilibre pa minsan kaya walang problema.

Kung may needy and clingy, meron ding mga divas. Yung feeling queens and kings of Davao. Yung mga entitled. Kala mo kung sinong mataas kung makapagutos. Kala nila alipin nila ako sa gigilid. Hoy, gumising po kayo. Paglabas natin ng opisina pantay-pantay lang tayo. Tigilan niyo nga yang ka-artehan niyo, di kayo radiant. Pero joke lang. Again po, no hate. 🙂

Eto second to the last classification ko, yung mga IT kuno. Either IT/COE/CS yung course nung college, may asawang IT, may pinsan, uncle, kapitbahay or ex na IT, or yung mga IT sa past life na nareincarnate tapos di nkakuha ng IT job. Magagaling tong mga to. Yung magtatanong to test me. Wag ako, mga besh. Kasi masasaktan lang kayo sa kabobohan ko. May sub-classifications to sila. May mga (a) humble pero magagaling talaga, meron ding mga (b) mayayabang na hindi naman alam ano meaning ng WiFi. Favorite ko din yung mga magagaling na humble. Kasi kung wala ako sa office maaasahan ko sila talaga. Kung belong ka sa class a, libre kita ng hotcake and buko juice. Kung class b ka, libre moko ng Starbucks matapos mong marecite ang color-coding ng straight-through cable. Alam kong hindi ako magaling sa larangan ng IT, pero alam kong mas hindi ka magaling kaya quiet ka nalang. Eto may hate na nang kauntian, tbh. HAHAHA.

Finally, ang mga users na user. Hmmm. Pano ko ba iexplain. Sila yung nagcoconsult kung ano magandang brand ng laptop, minsan pati cellphone. Nagpapatulong magpaayos ng laptop, madalas pati cellphone. Pero wala nman akong masabing masama tungkol sa kanila. Kung kaya ko naman, why not.

So ayun, paki-identify nlang po kung saan kayo belong. Kung walang swak sa inyo jan, pakicomment nlang kung anong classification sa tingin mo ikaw belong.

As I’ve been repeating, no hate po tayo dito. Sinulat ko lang to para sa sarili ko. Wala akong hard feelings sa inyo except nalang kung pangit ugali niyo.

Pero thankful po talaga ako kasi may trabaho ako and masaya ako sa trabaho ko. Lahat ng mga users ay parte ng buhay ko. Tanggap ko kayong lahat kahit pahirapan niyo pa ako.

P.S. Sa inyo po na mga nagsasabing petiks kaming mga IT, wag po kayong magalala, sisirain po namin computer niyo para maging busy kami. Tsaka tigil-tigilan nyo nga pagsasave ng mga selfies and mga kanta ng Hoobastank jan sa PC niyo, hindi nkakatuwa.

 

-Diana

What do you think?